![]()
Naglabas ng show cause order at kakasuhan ng Department of Energy ang 54 na gasoline stations dahil sa agarang pagtaas ng presyo ng kanilang produkto bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, may mga gasolinahan ang nag-hoard ng kanilang produkto habang hinihintay ang pagtaas ng presyo.
Iginiit ng kalihim na hindi makatarungan ang ganitong gawain na perwisyo sa bayan at sa publiko.
Nagbabala naman si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa lahat ng mga nagsasamantala sa sitwasyon na mahaharap sila sa kaukulang parusa.
Sinabi ni Castro na posible anya silang mawalan ng permit sa pagnenegosyo at hindi na bigyan ng panibagong pagkakataon.
