Nanindigan ang limapu’t tatlong Kongresista mula sa Mindanao sa isang ‘Manifesto’ para tutulan ang isinusulong na ‘secession’ o paghiwalay ng rehiyon sa Pilipinas.
Kinumpirma ni Lanao del Norte 1st District Representative Mohamad Khalid Dimaporo na pito lamang sa animnapung Mindanaoan Legislators ang hindi pumirma sa manifesto.
Ayon kay Dimaporo, ang dokumento na may titulong “Unified Manifesto of Mindanao Congressmen for National Integrity and Development” ay pagpapakita ng solidong suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutol din sa planong secession.
Nagkakaisa umano sila na ang kailangan ng Mindanao ay kaunlaran at hindi “independence”.
Nanawagan din ito sa mga Local Chief Executives sa kanilang rehiyon na manindigan at labanan ang “movement” na inilunsad ni former House Speaker Pantaleon Alvarez.
Tanong nito sa mga Gobernador at Alkalde ng Mindanao, susuporta ba sila sa hakbanging magbabalik sa madilim na bahagi ng kasaysayan ang kanilang lugar.
Sa kabuuhan, 57 mga Kongresista ang lumagda sa ‘manifesto’ dahil sumama rin ang 3 kinatawan mula sa Partylist at isang mambabatas mula sa Visayas.