Inaalam pa ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging implikasyon o epekto ng pagbibigay ng temporary shelter sa 50,000 Afghan special immigrants sa bansa, na request ng Estados Unidos.
Ito ang tugon ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, makaraang itanong ni Committee Chair Senator Imee Marcos sa DFA kung ang kahilingan ng EU ay natalakay na sa isang public forum.
Sinisikap pa ani Manalo ng DFA na kunin ang opinyon ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno para sa pagsasapinal ng desisyon.
Sa oras na magkaroon na aniya ng pormal na kasunduan, kanilang sisiguruhing dadaan sa mahigpit na proseso ang Afghan refugees na patutuluyin sa bansa at US government ang gagastos para sa mga ito at maipatutupad ang mobility restrictions. —sa panulat ni Joana Luna