dzme1530.ph

5,000 PESOS NA FUEL SUBSIDY, IPINAG-UTOS NI PANGULONG MARCOS NA I-RELEASE SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pamamahagi ng 5,000 pesos na fuel subsidy para sa public transport drivers na apektado ng oil price hike bunsod ng kaguluhan sa Middle East.

 

Pahayag ito ni Executive Secretary Ralph Recto, na nakipagpulong sa Metro Manila mayors upang matiyak ang mabilis na distribusyon ng subsidiya na ire-release sa susunod na linggo.

 

Sinabi ni Recto na bilang mga alkalde, sila ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng tricycle at jeepney drivers sa kanilang nasasakupang lugar.

 

Idinagdag ng punong kalihim na sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at agarang pagkilos, mas mabilis na maipararating ang tulong sa bawat tsuper na nangangailangan.

About The Author