Tumanggap ng tigsa- ₱10,000 ayuda mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasa 5,000 magsasaka at mangingisda sa Camarines Sur, na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa distribution ceremony ngayong Miyerkules ng umaga sa bayan ng Pili, itinurnover ng Pangulo ang ₱50 million na assistance mula sa Office of the President.
Samantala, naglabas din ng pondo ang Dep’t of Agriculture para sa crop insurance payment sa mga apektadong magsasaka.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo ang pagpupursige upang maibalik sa normal ang pamumuhay sa lalong madaling panahon, kabilang ang mga nasirang tahanan, imprastraktura, at kabuhayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News