dzme1530.ph

500 PDL mula NBP inilipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm

Hindi bababa sa 500 person deprived of liberty (PDL) ang inilipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan.

Ipinagpatuloy ng Bureau of Corrections ang kanilang decongestion program at dinaragdagang ang mga manggagawang pang-agrikultura sa IPPF.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na sa nasabing bilang, 200 ang mula sa Reception and Diagnostic Center, 150 mula sa maximum security at 150 mula sa medium security.

Nasa 147 corrections officer naman ang nag escort sa mga inilipat na PDL na pinamumunuan ni CINSP Roberto Butawan kasama ang augmentation mula sa Muntinlupa Philippine National Police Highway Patrol Group at Skyway Patrol.

Samantala, nilinaw naman ng San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City na dalawa lamang sa mga tauhan nito ang natanggal sa kanilang tungkulin kaugnay ng pagkakaaresto sa isang PDL at isang sibilyan sa isang buy-bust operation kamakailan.

About The Author