Isa pang batch ng 500 person deprived of liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. umabot na sa 5, 170 ang bilang ng mga PDL na inilipat mula sa NBP sa ibat ibang operating prison and penal farm (OPPF) sa bansa mula noong Enero ng taong ito.
Sa 500 PDL na inilipat, 200 ay nagmula sa Maximum Compound 200 mula sa Medium Camp at 100 mula sa Reception and Diagnostic Center.
Sinabi ni Catapang na ang paglilipat ng mga PDL ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kawanihan na i-decongest ang masikip na NBP at dagdagan ang pangangailangan ng manpower ng ating OPPF sa pamamagitan ng kanilang agricultural project bilang suporta sa food security program ng gobyerno.
Dagdag pa nito, ang paglilipat ng mga PDL ay bilang paghahanda na rin sa napipintong pagsasara ng BuCor sa 2028.