![]()
Nakatanggap ang International Criminal Court (ICC) Pre-trial Chamber 1 ng karagdagang aplikasyon mula sa mga partido na humihiling na maitala bilang mga biktima sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa 4-page document na may petsang Feb. 9, sinabi ng ICC registry na nai-transmit nila sa Chamber 227 ang applications na binubuo ng 500 applicants.
Noong Jan. 28, 2026, inatasan ng chamber ang Victims Participation and Reparations Section ng registry na i-transmit ang anumang additional applications na kanilang natanggap ng hindi lalampas sa Feb. 9.
Unang inilabas ng chamber ang desisyon noong Jan. 26 na nag-o-authorize ng partisipasyon sa kaso ng kabuuang tatlumpu’t siyam na biktima.
