Panibagong batch na binubuo ng 500 persons deprived of liberty ang inilipat mula sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City patungong San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Simula Enero, umabot na sa halos 4000 inmates ang inilipat sa penal facilities sa labas ng Metro Manila, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Bureau of Corrections (BuCor) ng kanilang programa na paluwagin ang bilibid.
Batay sa records ng BuCor, 999 inmates ang nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City sa Palawan; tig-isanlibo sa Davao at San Ramon; at 448 sa Leyte.
Itinayo at idinisenyo ang bilibid para tumanggap ng 6,000 inmates subalit ang mga nakakulong dito ay umabot na sa mahigit 25,000.