dzme1530.ph

50 Pinoy mula sa Israel, ire-repatriate sa Mayo

Nasa 50 Pilipino na naka-base sa Israel ang nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa susunod na buwan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, inaasahang darating sa bansa ang mga Pinoy sa ika-9 ng Mayo.

Nilinaw ni Cacdac na nagpahayag ng intensyong umuwi sa bansa ang mga Pinoy bago pa man ang paglulunsad ng Iran ng kauna-unahan nitong direktang pag-atake sa Israel noong Sabado.

Inihayag ni Cacdac na palaging bukas ang kanilang ahensya sa pagtanggap ng karagdagang OFWs na nais magpa-repatriate sa gitna ng umiigting na tensyon sa middle east countries.

About The Author