dzme1530.ph

50 patay sa naganap na airstrike sa Myanmar

Pumalo sa 50 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na airstrike sa bayan ng Kantbalu sa Sagaing Region, Myanmar.

Sadyang tinarget umano ng mga militar ang Sagaing Region malapit sa pinakamalaking lungsod sa mandalay dahil kilala itong pinamumugaran ng mga militanteng grupo.

Gayunman, mariing kinundena ng National Unity Government (NUG) ng Myanmar, isang shadow body na pinangungunahan ng mga dating mambabatas mula sa pinatalsik na sibilyang lider na si Aung San Suu Kyi at tinawag itong isang “heinous act” ng pwersa ng mga militar.

Nahaharap naman sa international condemnation ang mga sangkot na militar dahil sa ginawang mass destruction sa lungsod, malawakang pagpatay at air strike sa mga sibilyan.

Matatandaang Pebrero 21 nang simulang maging magulo ang bansa at naging dahilan ng pagkamatay ng mahigit 3,200 sibilyan at pagkakulong ng nasa 21,300. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author