dzme1530.ph

5-year plan of action para sa senior citizens, inilunsad sa Malakanyang

Inilunsad sa Malakanyang ang Philippine Plan of Action for Senior Citizens 2023-2028, na layuning matugunan ang nagbabagong mga pangangailangan at hamong kinahaharap ng senior citizens sa bansa.

Pinangunahan ni DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao ang soft launching ng 5-year development plan sa Mabini Social Hall sa Palasyo.

Sa ilalim nito, itataguyod ang inklusibo at “age-friendly” na lipunan na gumagalang sa karapatan at pribilehiyo ng mga nakatatanda, kabilang na ang kanilang health at well-being.

Binuo ito ng National Commission of Senior Citizens sa pakikipagtulungan sa World Health Organization, key national government agencies, at development partners.

Ayon kay Asec. Dumlao, napapanahon ang paglulunsad ng 5-year plan kasabay ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Ito rin umano ang patunay ng commitment ng gobyerno sa pagsusulong sa kapakanan ng senior citizens.  –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author