dzme1530.ph

5 senador, pinagpipiliang pumalit kay Lacson sa Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Nasa limang miyembro ng Senate Majority Bloc ang pinagpipiliang maihalal bilang bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kabilang sa mga ito sina Senators Pia Cayetano, Risa Hontiveros, JV Ejercito, Kiko Pangilinan, at Raffy Tulfo.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kailangan pa niyang konsultahin ang mga miyembro ng mayorya upang pag-usapan kung sino ang ipapalit kay Sen. Panfilo Lacson, na tatalakayin sa caucus bukas.

Aminado si Sotto na mahirap sundan ang mga yapak at nasimulan ni Lacson sa komite.

Kagabi, isinumite na ni Lacson ang kanyang resignation letter, dahil ramdam umano nitong may ilang kasamahan sa mayorya ang hindi pabor sa paghawak niya ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.

Tiniyak naman ni Sotto na magpapatuloy ang imbestigasyon sa usapin kahit mapalitan ang chairman ng komite.

About The Author