![]()
Para tugunan ang impact ng cost-of-living crisis sa manggagawa at pamilyang Pilipino, itinutulak ng TUCP ang comprehensive 5-point response na tinawag nilang KAPIT.
Una, kanselahin ang buwis sa petrolyo, kuryente, at pagkain o full suspension ng excise tax at VAT sa basic commodities.
Ikalawa, agapan ang presyo, o price control sa diesel at pagkain.
Ikatlo, pataasin ang sweldo, o kagyat na magpatawag ng special session ang Congress para isabatas ang P200 legislated wage hike.
Ikaapat, ibigay ang minimum wage subsidy na P5,000 per month sa 5-M minimum wage workers, at;
Ikalima, tigil bayad utang muna! o zero o low-interest calamity loans, plus mandatory grace period at loan moratorium sa SSS, GSIS, at Pag-Ibig.
Mensahe na lamang ng TUCP sa sambayanan, “KAPIT, KABABAYAN, pero higit sa lahat, lalo na sa gobyerno, KUMILOS NA!
