dzme1530.ph

5 patay sa mass shooting sa Kentucky

Patay ang limang katao habang sugatan ang anim na iba pa sa naganap na mass shooting sa isang bangko sa downtown Louisville, Kentucky.

Ayon sa mga otoridad, kabilang sa mga nasawi ay ang suspek sa insidente.

Anila agad silang rumesponde sa pinangyarihan ng shooting matapos makatanggap ng tawag mula sa ilang biktima na nasa loob ng Old National Bank.

Ipinanawagan naman ng mga kawani ng pulisya na pansamantala munang umiwas sa pinangyarihan ng gulo para sa kanilang kaligtasan.

Base sa data na inilabas ng gun violence archive, ito na ang ika-146 na insidente na may kinalaman sa pananambang ngayong taon sa Amerika.

About The Author