dzme1530.ph

5 pang Pinoy, unaccounted sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas

Lima pang Pilipino ang nananatiling unaccounted sa gitna ng malawakang pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., natunton na ng Israeli authorities ang dalawa mula sa pitong Pinoy na unang napaulat na nawawala.

Nakita aniya ang dalawa na nagtatago sa isang “safe room” sa clearing operations na isinagawa ng Israel Defense Forces.

Idinagdag ni Laylo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine authorities sa kanilang counterparts sa Israel upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino at mahanap ang iba pang nawawala.- Sa panulat ni Lea Soriano

About The Author