dzme1530.ph

5 napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Aghon, bina-validate pa ng OCD

Lima ang naiulat na nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan bunsod ng pananalasa ng bagyong aghon, ayon sa Office of Civil Defense.

Sa press briefing, sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na bina-validate pa ang casualties.

Aniya, kinabibilangan ito ng apat mula sa CALABARZON, kabilang ang isang bata at isa sa Region 10.

Pito naman aniya ang nagtamo ng injuries dahil sa bagyo, kabilang ang apat mula sa Legazpi City, sa Albay.

Magkakamag-anak umano ang mga ito na nabagsakan ng puno habang lulan ng tricycle.

About The Author