dzme1530.ph

5 miyembro ng Dawlah Islamiyah, patay sa pinagsanib na operasyon ng militar at pulisya sa Lanao Del Norte

Limang miyembro ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah ang napaslang habang dalawang iba pa ang naaresto sa pinagsanib na operasyon ng militar at pulisya sa bayan ng Sultan naga Dimaporo, sa Lanao Del Norte.

Ayon kay Brig. Gen. Anthon Abrina, Commander ng 2nd Mechanized Infantry Brigade ng Army, inilunsad ang joint operation sa barangay Bangko.

Isisilbi sana ng mga awtoridad ang warrants of arrest laban kina Uya Dama Manugen, alyas Lagbas, at Musa Monagen Dama, na kapwa tinukoy bilang miyembro ng Dawlah Islamiyah, para sa mga kasong murder, kidnapping, at serious illegal detention.

Gayunman, habang papalapit sa lugar ay pinaputukan umano ng mga terorista ang mga sundalo at pulis, na nauwi sa tatlumpung minutong bakbakan.

Narekober naman mula sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang pistola, tatlong M16 assault rifles, tatlong M1 garand rifles, iba’t ibang rifle magazines, iba’t ibang mga bala, at dalawang granada. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author