dzme1530.ph

5 kumpanya, nag-bid para sa NAIA privatization

Limang kumpanya ang nakapag-secure na ng bid documents para sa privatization ng operations, maintenance, at rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kabilang sa limang potential bidders, na nag-avail ng bid documents as of September 13, para sa P170.6-B NAIA Public-Private Partnership (PPP) project, ay ang San Miguel Corp., GMR, at Manila International Airport Consortium (MIAC).

Kasama rin sa nag-bid ang Spark 888 Management Inc. at Asian Airport Consortium.

Matatandaang nagsumite ang MIAC ng P267-B na unsolicited proposal para sa rehabilitasyon at pagandahin ang NAIA upang maging modernized gateway. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author