Sugatan ang limang katao nang gumuho ang isang pader matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa baybayin ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan.
Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2, dalawa sa nasabing bilang ang nagtamo ng brain trauma at head concussion, habang minor injuries naman ang tatlong iba pa.
Wala ring napa-ulat na nasawi, pinsala sa imprastruktura, at mga inilikas na indibidwal sa ngayon.
Patuloy naman na binabantayan ng OCD Region 2 at ng Cagayan at Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang sitwasyon sa naturang lugar.
Samantala, sa pinakahuling datos ng PHIVOLCS, mahigit 100 aftershocks na ang kanilang naitala, na umaabot ng magnitude 1.5 hanggang 3.7 at may lalim na 8 hanggang 29 kilometers. –sa panulat ni Airiam Sancho