![]()
Nadagdagan ang bukas na gates sa limang malalaking dam sa Luzon na nagpapakawala ng tubig, kasunod ng malalakas na ulan na dala ng Typhoon Uwan.
Ayon sa update ng PAGASA, nananatiling bukas ang tig-tatlong gates ng Angat Dam at Ipo Dam sa Bulacan, para magpakawala ng 450 cubic meters per second (CMS) at 497.50 CMS ng tubig, ayon sa pagkakasunod.
Walong gates naman ang binuksan sa Ambuklao Dam sa Benguet, na nagpapakawala ng 1,108.65 CMS ng tubig, habang anim na gates sa Binga Dam ang nagre-release ng 1,119.42 CMS ng tubig.
Samantala, apat na gates ang bukas sa Magat Dam na nasa pagitan ng Ifugao at Isabela, para pakawalan ang 1,416.94 CMS ng tubig.
