Inanunsyo ng COMELEC na inilaan nila ang ala-5 ng umaga hanggang ala-7 ng umaga para sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis, upang makaboto sa Araw ng Halalan.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ekslusibo ang two-hour window para seniors, PWDs, at buntis, subalit maari pa rin naman silang bumoto sa regular na oras ng eleksyon,
Inihayag ni Garcia na inaasahan nila na nasa labindalawang milyong senior citizens at animnaraang libong PWDs ang boboto sa midterm elections sa Mayo 2025.
Nilinaw din ng COMELEC na hindi obligado ang seniors at PWDs na bumoto sa Emergency Accessible Polling Places (EAPP), na ang ibig sabihin ay malaya silang bumoto sa regular na presinto.