![]()
Kumbinsido si Navotas City Rep. Toby Tiangco na may basbas ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni Tiangco na siguradong alam ni Romualdez ang tungkol sa 4th impeachment dahil ang nag-endorso nito ay si Deputy Speaker Paolo Ortega V, na miyembro ng Partidong Lakas.
Aniya, tiyak na kinonsulta muna ni ortega si romualdez, na siyang pangulo ng partido, bago nito inendorso ang impeachment complaint.
Idinagdag ni Tiangco na alam ni Romualdez na posible itong humarap sa pananagutan hinggil sa maanomalyang flood control projects kung mananalo si VP Sara sa 2028 Presidential Election.
Nanawagan din ang kongresista sa liderato ng kamara na maging patas sa proseso sa impeachment complaints, gaya ng ginawa sa mga reklamo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
