Muling nangibabaw ang 4Ps Partylist sa February survey ng OCTA Research group.
Sa February 22 to 28 survey ng OCTA na kahapon lamang isinapubliko, nangibabaw ang 4PS Partylist sa nakuhang 5.74% mula sa 1,200 adult respondents, na may margin of error na plus o minus 3%.
Sumunod ang ACT-CIS na may 4.83%; Galing sa Puso 3.88%, Tingog Partylist na may 3.54%, at Ako Bicol na may 3.51%.
Sa labing apat na nagungunang partylist organizations, sampu (10) nito ay kasalukuyan nang nakapwesto sa Kongreso, habang may apat na baguhan ang pumapasok.
Bukod sa 14 na nangunguna, sinabi ng OCTA na may 16 pang partylist groups ang may sigurado nang 1-seat base sa February survey.
May 155 partylist groups ang kasali sa May 12 midterm election, at para makasiguro ng 1-seat kailangan makakuha sila ng 2% ng total cast votes.