Nangunguna pa rin ang Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino (4Ps) partylist sa voter preference ng mga Pilipino sa partylist groups para sa 2025 midterm elections.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong January 17-20, nakakuha ng 11.8% ang 4Ps party-list na bahagyang mababa sa 13.51% vote na naitala noong December 2024.
Sinundan ito ng Duterte Youth na may 6.05-%; ACT-CIS sa 5.41%; Senior Citizens na may 3.43% vote; Ako Bicol na 3.27%; Tingog na 2.75%; FPJ Panday Bayanihan na may 2.45% at Kabataan partylist na may 2.11% vote.
Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 respondents na may margin of error na plus/minus 2.31%. —sa panulat ni Fremie Belamala