Tuloy-tuloy na ipinatapon ng Bureau of Immigration, katuwang ang pamahalaan ng South Korea, ang 49 na South Korean fugitives pabalik sa kanilang bansa.
Sa isang press conference sa NAIA Terminal 3, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga naturang dayuhan ay sangkot sa mga modus tulad ng illegal gambling at financial crimes, kung saan umabot sa bilyon-bilyong won ang nakulimbat mula sa kanilang mga biktima sa Korea.
Dagdag ni Viado, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang ilang Korean nationals na nahaharap sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
Aniya pa, may humigit-kumulang 50 pang Korean nationals na kasalukuyang pinoproseso para sa kanilang deportation sa mga susunod na araw.