Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na sadyang dini-delay ng Senado ang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa June 25 to 29 non-commissioned survey sa 1,200 adult respondents, 44% ang naniniwalang ina-antala ng Mataas na Kapulungan ang impeachment proceedings ng Bise Presidente.
Samantala, 25% naman ang hindi naniniwala na dini-delay ng Senado ang impeachment trial habang 22% ang undecided at 9% ang walang alam tungkol sa isyu.
Lumitaw din sa survey na mas maraming Pinoy o 42% ang tutol sa paghahain ng ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara.
Kumpara ito sa 32% na payag habang 18% ang undecided at 7% ang walang sapat na kaalaman sa isyu.