Mas pinalakas pa ng China ang presensya nila sa West Philippine Sea makaraang mamataan ang higit sa 40 barko nito kabilang na ang isang People’s Liberation Army Navy vessel at isang China coast guard vessel malapit sa Pag-Asa island, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Nasa layong 5 hangang 8 nautical miles ang mga barko mula sa islang sakop ng Palawan.
Dagdag ng PCG, malinaw na nakapasok na ang mga Chinese vessel sa 12 nautical miles na territorial sea ng Pilipinas.
Nangako naman si PCG Admiral Artemio Abu na patuloy na magpapatrolya ang kanilang mga barko sa mga teritoryo ng bansa sa kabila ng presensya ng mga dayuhan.