dzme1530.ph

Rep. Barzaga, hindi nakadalo sa ethics hearing dahil sa paglalaro ng computer

Loading

Bigong makadalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

Sa panayam ng House media, sinabi ni Barzaga na nahuli siya sa pagdating dahil naging “busy” umano siya kagabi sa paglalaro sa computer.

Ayon kay Barzaga, naabisuhan na siya sa pagbuo ng Reconciliation Sub-Committee for Mediation, na hindi lang tututok sa kanyang kaso kundi pati sa iba pang reklamo sa ethics panel.

Ngunit nanindigan siya na hindi siya magpapaareglo at gusto niyang ituloy ang pagdinig upang maipagtanggol ang sarili.

Tiniyak din ni Barzaga na handa siya sa anumang parusa, kabilang ang reprimand, suspension, o expulsion.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na hindi opsyon ang reconciliation.

Giit ni Puno, hindi ito personal na hidwaan kundi insulto sa Kamara, dahil aniya’y malaki na ang pinsalang idinulot ni Barzaga sa institusyon.

About The Author