Aminado si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na posibleng baguhin ang pagtalakay sa 2026 national budget kasunod ng serye ng kalamidad, partikular ang lindol sa Cebu.
Aniya, maaaring dagdagan ang budget ng Department of Education para sa repair ng mga nasirang paaralan.
Bukod dito, ikinukunsidera rin ang pagdaragdag ng pondo sa cultural agencies para sa mga simbahan at heritage sites na apektado.
Kasama rin sa tinitingnang dagdagan ang housing agency upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.
Tiniyak din ni Gatchalian na may sapat na pondo para sa pagkain ng evacuees na pansamantalang nananatili sa evacuation centers.