dzme1530.ph

“4+1” BLENDED LEARNING SCHEME, HINDI SOLUSYON SA LUMALALANG CLASSROOM SHORTAGE, AYON SA GRUPO NG MGA GURO

Loading

Tutol ang Alliance of Concerned Teachers Philippines (ACT) sa panukalang “4+1” blended learning model ng Department of Education (DepEd).
 
Naniniwala ang grupo na hindi mareresolba ng naturang plano ang lumalalang classroom shortage sa bansa, at sa halip ay makadaragdag lamang ito sa pasanin ng mga mag-aaral, pamilya, at mga guro.
 
Sinabi ni ACT chairperson Ruby Bernardo na ang proposal na kinapapalooban ng 4 na araw na in-person classes at isang araw na online learning ay pag-a-adjust lamang sa kakapusan ng classrooms at hindi pagtugon sa ugat ng problema.
 
Nagbabala rin si Bernardo na maaari lamang makadagdag sa gastos ng mga pamilyang nahihirapan na sa buhay ang blended learning.
 
Aniya, ipinapasa na naman ng gobyerno ang bigat ng kakulangan sa silid-aralan sa mga guro, mag-aaral, at kanilang pamilya.
 
Binigyang diin ni Bernardo na maraming pamilya ang limitado pa rin ang access sa reliable internet, gadgets, at maayos na learning spaces para sa online classes.

About The Author