dzme1530.ph

400 pasahero, stranded sa pantalan ng Manila Port Passenger Terminal ngayong araw

Dahil sa sama ng panahon, umaabot sa halos 400 na pasahero sa Manila North Port Passenger Terminal ang nananatiling stranded ngayong araw.

Ayon sa PPA at PCG, ito’y dahil sa epekto pa rin ng super typhoon Egay na nararanasan sa ilang rehiyon partikular sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at NCR-Central Luzon region.

Namahagi naman ng kaukulang tulong ang Philippine Ports Authority (PPA) na ngayon ay inuumpisahan nang ihanda ng mga kawani ng ahensya gaya ng mga pagkain o lugaw at inumin para sa mga apektadong pasahero sa passenger terminal ng building ng Dapitan port at ang ilan sa kanila ay pinapauwi na muna.

Gayunman, karamihan sa mga pasahero ay ayaw umalis dahil malayo pa ang kanilang pinaggalingan at nagreklamo na hindi maagang nag-abiso kaugnay sa kanseladong biyahe ng mga barko.

Sa ngayon, nakatutok pa rin ang mga tauhan ng PPA at PCG sa pagpapanatili ng seguridad sa lugar. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author