dzme1530.ph

400 MILLION BARRELS NG EMERGENCY OIL RESERVES, IRE-RELEASE NG MARAMING BANSA SA GITNA NG PAGSIPA NG OIL PRICES

Loading

Pumayag ang maraming bansa na mag-release ng record amount ng langis mula sa kanilang emergency reserves upang sikaping mapunan ang supply shortage at pagsirit ng oil prices.

 

Lahat ng 32 members ng International Energy Agency (IEA), kabilang ang United Kingdom, United States, at marami pang mayayamang bansa, ay magre-release ng 400 million barrels ng oil reserves.

 

Higit doble ito ng dating record amount na ni-release ng IEA members, kasunod ng full-scale invasion ng russia sa Ukraine noong unang bahagi ng 2022.

 

Nahinto ang oil exports matapos isara ang Strait of Hormuz, na dinadaanan ng 25% ng global oil supplies, bunsod ng US-Israel war sa Iran.

About The Author