Kabuuang 40 social media personalities at mga kinatawan mula sa iba’t ibang online platforms ang inimbitahan sa unang hearing ng Tri-Committee ng Kamara, bukas, araw ng Martes.
Iimbestigahan ng House Committees on Public Order and Safety; Public Information; at Information and Communications Technology ang paglaganap ng fake news at disinformation sa buong bansa.
Sa statement, kahapon, sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez na tatalakayin sa pagdinig kung paano kumakalat ang disinformation sa online, ang epekto nito sa pang-unawa ng publiko at national security, at ang mga kinakailangang hakbang upang ito ay mapigilan.
Si Fernandez na siyang pinuno ng Committee on Public Order and Safety, ang magpe-preside sa hearing.
Ilan sa mga inimbitahan ay sina Jay Sonza, Sass Rogando Sasot, Mark Anthony Lopez, Lorraine Badoy, Jeff Celiz, Banat By, Glen Chong, Maharlika Boldyakera, at Atty. Trixie Angeles.