dzme1530.ph

40 promoted generals at flag officers ng AFP, nanumpa sa Pangulo

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong promoted na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines.

Sa seremonya sa Malakanyang, nag-oath taking ang nasa 40 opisyal mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, at Philippine Navy.

Bukod sa pangulo, present din sa seremonya sina Defense Sec. Gibo Teodoro, Executive Secretary Lucas Bersamin, at AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Marcos na tumatayo ring Commander-In- Chief na ang pagtaas ng ranggo ng mga opisyal ay patunay ng kanilang pagtitiyaga sa gitna ng pinaka-mapanganib na propesyon.

Iginiit naman ng pangulo na hindi humihinto ang pagsubok sa nation-building at national security, kaya’t mas mabigat na responsibilidad ang iaatas ng mamamayan sa liderato at mithiin ng promoted AFP officials. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author