Kabuuang 40 barko ng Tsina ang naispatan sa West Philippine Sea noong Marso, ayon sa Philippine Navy.
Sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea, na kabilang sa namataan noong Marso ang walong People’s Liberation Army Navy (PLAN) at 14 na China Coast Guard (CCG) Vessels sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Gayundin ang anim na CCG vessels sa Ayungin Shoal; at 7 PLAN at CCG vessels sa Escoda Shoal o Sabina Shoal.
Inihayag ni Trinidad na sapat ang isinasagawa nilang magpapatrolya sa karagatan at himpapawid upang ipakita na hindi magpapatinag ang Pilipinas sa presensya ng Tsina sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.