dzme1530.ph

4-year extension ng project split, ini-rekomenda ng DAR

Ini-rekomenda ng Department of Agrarian Reform (DAR) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang apat na taong extension ng support parcelization of lands for individual titling o project split.

Sa 16th NEDA board meeting sa Malacañang na pinangunahan ng pangulo, inilatag ni DAR Sec. Conrado Estrella III ang pagpapalawig ng implementasyon ng project split mula January 2024 hanggang December 2027.

Sa ilalim ng proyekto, hahatiin o pagbubukurin ang nasa 1.38 million ektarya ng lupa, at magkakaroon ito ng sari-sariling titulo para sa agrarian reform beneficiaries.

Sinabi rin ng DAR na ang mungkahing extension ay hindi magkakaroon ng karagdagang gastos.

Samantala, ini-rekomenda rin ng kagawaran ang 36-month extension ng loan validity para sa mga lupa.

About The Author