Apat na teams mula sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms ang nakadeploy na upang isilbi ang inilabas na walong warrant of arrest laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pitong iba.
May nakatalagang sisilbihang arrest order ang bawat team dahil magkakaiba ang address ng mga subject ng warrants of arrest.
Sinabi ni Ret. Gen. Roberto Ancan na ipinag-utos niya ang deployment ng apat na team ngayong umaga.
Sa arrest order na pirmado nina Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at Sen. Risa Hontiveros, binigyan ang OSAA ng 24 oras para isilbi ang kautusan at magreport sa Senado sa anumang update.
Sa sandaling mahuli ang mga subject ng warrant, ikukulong ang mga ito sa OSAA hanggang sa susunod na pagdinig kung saan sila dapat humarap.
Sa kanilang pagharap sa pagdinig saka naman pagdedesisyunan ng kumite kung ililift ang contempt sa kanila.
Para naman sa 15 inisyuhan, inatasan silang humarap sa pagdinig sa July 29 at kung hindi ay maaari rin silang macite in contempt.