Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na apat na pilipino sa Israel ang nasugatan at dinala sa mga ospital, matapos maglunsad ng retaliatory airstrikes ang Iran.
Ayon kay DFA Usec. Eduardo De Vega, ang mga injured na pinoy ay mula sa Rehovot City sa katimugang bahagi ng Tel Aviv.
Sinabi rin ni De Vega na mayroong labindalawa pang mga pilipino na nasa park nang tamaan ng iranian missiles ang lugar.
Idinagdag ng dfa official na pinag-aaralan ng Philippine Embassy sa Israel kung kailangan nang magpatupad ng mandatory repatriation sa mga susunod na araw.