![]()
Apat ang nasawi, kabilang ang tatlong menor de edad, habang nasa labing-isa ang sugatan sa pamamaril sa isang banquet hall sa Stockton, California, habang idinaraos ang kaarawan ng isang bata.
Ayon sa San Joaquin County Sheriff’s Office, pinaniniwalaang higit sa isang suspek ang sangkot sa insidente, at nananatiling at large ang mga ito. Sinabi ng mga awtoridad na hindi ito “random attack” at posibleng targeted ang mga biktima.
Nagsimula ang pamamaril sa loob ng event space bago umabot sa labas. Kasalukuyang iniimbestigahan ng sheriff’s department, FBI, at iba pang federal agencies ang posibleng motibo.
Sinabi naman ni Stockton Mayor Christina Fugazi na titiyakin ang pagkamit ng hustisya at hindi na makakalaya pa ang mga responsable.
