Pina-cite in contempt ng House Tri-Committee (Tri-Comm) na nag-iimbestiga sa paglaganap ng fake news sa online, ang apat na indibidwal dahil sa paulit-ulit na pang-iisnab sa congressional inquiry.
Nag-move para ma-cite in contempt na may kasamang detention order si Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, kina Sass Sasot, Jeffrey Celiz, Lorraine Badoy, at Mark Lopez.
Inaprubahan naman unanimously ng joint committee ang naturang mosyon.
Na-cite in contempt sina Sasot, Celiz, at Badoy dahil sa pagtanggi nilang sumagot sa mga summon nang walang legal na dahilan.
Habang si Lopez ay dahil sa pagbatikos nito sa pagdinig matapos siyang atasan ng mga mambabatas na humingi ng paumanhin bunsod ng maling social media posts.
Sina Sasot, Celiz, at Badoy ay inatasang ma-detain sa Batasang Pambansa hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng House Tricomm habang si Lopez ay mananatili sa detention ng 10-araw.