dzme1530.ph

4 na halamang gamot sa bansa, pumasa sa clinical trials

Apat na halamang gamot sa bansa ang pumasa sa masusing clinical trials na isinagawa ng Institute of Herbal Medicine-National Institute of Health ng University of the Philippines Manila.

Napatunayan sa clinical tests na maaring makagawa ng mga bagong gamot mula sa ulasimang bato, yerba buena, ampalaya, at tsaang gubat.

Ang ulasimang bato ay maaring gamiting lunas sa mataas ang uric acid habang ang yerba buena ay puwedeng maging analgesic upang maibsan ang pananakit ng katawan.

Epektibo naman ang ampalaya sa pagpapababa ng sugar level ng mga diabetic habang ang tsaang gubat ay maaring maging anti-colic at nakapagbibigay ginhawa sa mga nag-e-LBM at mayroong gallstones.

Sa apat na nabanggit, tanging tsaang gubat ang nai-rehistro na sa Food and Drug Administration, habang ang tatlong iba pang herbal drugs ay naghihintay pa ng regulatory approval.

About The Author