dzme1530.ph

4 na empleyado ng Pili, Camarines Sur, posibleng nasawi dahil sa matinding init ng panahon

Apat na kawani ng lokal na pamahalaan ng Pili, Camarines Sur ang nasawi nitong mga nakalipas na araw, sa gitna ng napakatinding init ng panahon.

Iniimbestigahan ng Rural Health Unit ng Pili ang posibilidad kung may kinalaman ang nakapapasong init ng panahon sa pagkamatay ng mga empleyado.

Sinabi ni Dr. Rafael Salles, head ng Pili Municipal Health Office na pinakuha niya ang death certificate ng mga biktima para malaman ang iba pang detalye ng kanilang health conditions na maaring nagresulta sa kanilang kamatayan.

Ayon sa Pili government, ang apat na nasawi na ang edad ay nasa 40s at 50s, ay job order employees na nakatalaga sa kanilang engineering, public safety office, at market security.

About The Author