dzme1530.ph

4 na biktima ng human trafficking, naharang BI sa NAIA

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 4 na kababaihang biktima ng human trafficking para magtrabaho bilang mga household service worker sa Lebanon.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, tatlo sa mga biktima ay cleared na sa pag-alis nang maharang ang mga ito matapos tangkaing sumakay ng Air Asia flight papuntang Kuala Lumpur.

Isa pang babaeng biktima ang naharang sa Bangkok matapos tangkaing umalis sa pamamagitan ng Cebu Pacific flight.

Ang mga biktima ay nagpanggap bilang mga turista na maglilibot sa ibang bansa ngunit nang maglaon ay umamin na ang kanilang huling destinasyon ay sa Lebanon, kung saan sila magtatrabaho.

Iginiit ni Tansingco na ang pagpapadala ng mga Pinoy sa ibang bansa nang walang kaukulang mga dokumento, ay mayroong malaking banta sa kanilang seguridad lalo na sa mga bansang may umiiral na deployment ban.

Ang mga biktima ng trafficking ay inilipat sa Inter-Agency Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga recruiter. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author