dzme1530.ph

4 na bagyo, posibleng pumasok sa PAR sa Hulyo

Tatlo hanggang apat na tropical cyclone ang inaasahang papasok sa bansa ngayong Hulyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical And Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Benison Estareja, posibleng mag-landfall ang naturang mga bagyo sa Mainland Luzon o Eastern Visayas na palalakasin ng southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa ngayon, sinabi ni Estareja na hindi pa inaasahan ang anumang bagyo hanggang sa katapusan ng linggo, ngunit patuloy na papaulanin ng habagat ang malaking bahagi ng bansa.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamanag pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Pangasinan dahil sa weather system gayundin sa karamihan ng bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, mainit na panahon naman ang posibleng maranasan sa ilang lugar gaya ng General Santos City, Zamboanga City, at Davao City sa hapon na posibleng umabot sa 32°c. —sa panulat ni Jam Tarrayo, DZME News

About The Author