Aabot sa apat na milyong batang Pilipino ang nakinabang sa supplementary feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, ito ay mula noong Hunyo 2021 hanggang Hunyo 2023.
Ang Supplementary Feeding Program ay bahagi ng Early Childhood Care and Development Program ng gobyerno, at ito ay alinsunod sa Republic Act no. 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”
Isa rin ito sa mga naging direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong kanyang unang State of the Nation Address, tungo sa mithiing palayain ang Pilipinas sa problema sa gutom sa 2027.
Sa ilalim ng Supplementary Feeding Program, binibigyan ng supplemental food ang mga batang benepisyaryo na naka-enroll sa LGU managed day care centers at supervised neighborhood play.
Kabilang sa mga ibinibigay sa kanila ang indigenous foods o locally produced foods na katumbas ng 1/3 ng recommended energy at nutrient intake. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News