Apat na container vans na umano’y naglalaman ng smuggled na mga produkto ang kinumpiska ng mga awtoridad sa mga warehouse sa Parañaque City, Valenzuela City, at Bocaue, Bulacan.
Tatlong search warrants ang ipinatupad para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Nag-ugat ito mula sa reklamong isinampa sa Office of the Special Envoy on Transnational Crime, na kalaunan ay inendorso ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group para imbestigahan.
Lahat ng container vans ay nagmula sa Port of Manila, at umano’y misdeclared, undervalued at misclassified goods.