![]()
Tatayo ang 3rd impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kahit wala ang affidavit ni Ramil Madriaga.
‘Yan ang paniwala ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng mga complainant sa ikatlong impeachment complaint.
Aminado si Ligutan na ang sworn statement ni Madriaga ang mag-bibigay ng “missing link” sa pag trace kung paano ginamit sa loob ng labing isang araw ang P125-M confidential funds noong 2022.
Pero wala na umanong bibigat pa sa sertipikasyon mula sa Phil. Statistics Authority o PSA na kinumpirmang hindi nag-i-exist ang mga pangalang ginamit ng OVP at DepEd sa COA bilang mga beneficiaries ng pondo.
Nakapaloob sa 98-page pleading at annexes na isinumite sa House Secretary General ang certification mula sa PSA na sinasabing ang mga pangalan ng beneficiaries ay “do not exist, they were not born, they are not dead,” o sa madaling salita “fictitious.”
Ang 3rd impeachment complaint ay isinulong ng coalition of clergy, civil society leaders at lawyers na inindorso naman ni Congw. Leila de Lima.
