Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na parating na sa Pilipinas ang nasa tatlong milyong bakuna laban sa nakahahawang pertussis infection.
Ang mga parating na pentavalent shots, ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa iba pang vaccine-preventable illnesses, gaya ng Diphtheria, Tetanus, Hepatitis B, at Hemophilus Influenza Type B.
Una nang inihayag ng DOH na nakapagpamahagi na ang bansa ng nasa 64,400 pentavalent shots sa mga bata upang malabanan ang paglaganap ng pertussis na nakahahawa sa pamamagitan ng respiratory droplets at maaring life-threatening.
Ilang lugar sa Metro Manila, pati na sa Iloilo City ang mayroong pagtaas ng pertussis cases na umabot na sa 453 sa unang sampung linggo ng taon, kabilang ang 35 nasawi.