Matagumpay na naisakatuparan ng lokal na pamahalaan ng Maynila, Maritime Industry Authority (MARINA) at ng iba’t ibang pribadong sektor ang 38th International Coastal Clean-Up Day, kahapon, sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Katulong ng Manila LGU paglilinis ng Baseco Beach na pinangunahan ni Mayor Mayor Honey Lacuna-Pangan ay sina 5th District Rep. Irwin Tieng, mga kawani ng DPS, Officer-in-Charge Kayle Nicole Amurao, MPD Police District chief Brig. Gen. Andrei Dizon, DENR OIC Assistant Secretary for Field Operations for Luzon and Visayas Gilbert Gonzales, ilang kinatawan mula sa Coca-Cola Beverages Philippines, Boy Scout Philippines, at marami pang iba.
Samantala, sa nakipag-bayanihan din sa naturang proyekto ang buong pwersa ng MARINA mula sa iba’t ibang rehiyon na naglinis sa kani-kanilang baybayin.
Layunin ang clean-up drive na may temang “Clean Seas for Healthy Fisheries” na maging maaliwalas, malinis at maayos ang mga coastal areas sa bansa. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News